Oh well! A “Brain-Tiring” day for me today. Dami rin pala pumunta ng review sa UP kanina. Feeling ko tuloy nasa contest ako kasi daming schools yung nag-join. Nakita ko pa elementary classmates ko at ang pamungad sa akin ay “Ang payat mo pa rin.” (kahit naman anong kain ko hindi ako tumataba). Meron pa kaming ka-table na pinaghalong Shalani at Carla Humphries ang itsura (in fairness, maganda talaga siya). Then nagmukha kaming grade schoolers na parang papasok pa lang ng high school kasi ang tatangkad nila then mukha nang matanda ung face nila (oh well, it means baby face ang mga taga-lagro)
Of course, meron din namang taga-private schools na sumali. Siyempre my first impression was matatalino sila ‘cause they’re wearing eyeglasses (di naman lahat ng naka-salamin matalino agad, siguro yung iba sadyang malabo ang mata). Expected na yan na magagaling yan sa english, private eh. Eh kami, feeling namin dehado kami.
Nung during discussion, may umiikot na papel then we’ll write our scores in math and science. Nakaka-overwhelm kasi when we compared our scores to others, mas matataas pa pala score namin (hindi naman sa nagmamayabang…haha). Private school, nataasan pa ng public!
Kaya I was inspired to study harder para siyempre makapasa ako sa UPCAT and lalung-lalo sa DLSUCET (na until now hindi pa ako nagfi-fill-up kasi mamaya maulit na naman ung nangyari sa application ko sa USTET).
Basta….kaya yan… Ika nga ng aking pinakamamahal na guro sa Sipnayan, “Okay lang magkamali, kahit one mistake.”
(Source: tumblr.com)